Saturday, January 14, 2012

RAPSA: GREENWICH BARKADA MEAL

THE STORYLINE: 
Around August, for the first time in the history, nangyari na rin ang dapat mangyari! Isang taon din ang nakalipas nang kami ay nagkandayayaan na magkita-kita. Actually, ako yata ang nagyaya na magkita-kita kami. Wala lang. Trip lang. Atsaka alam mo yun, parang "close" kami nitong mga "tinuring" kong mga kaibigan mula sa isang social networking site noong time na iyon. Nakakatuwa nga kasi ang lakas ng trip nilang dalawa dahil ako yung dapat na manlibre na dapat sila yung manlibre dahil mas matanda sila. Oh well, dahil "mabait" ako at "friendly" (anu daw), pumayag naman ako.  Pero bakit tumagal ng isang taon? Kasi ayon, nagkalabo-labo, walang time, laging busy atsaka wala akong pera lagi. Tapos, humantong pa sa away at hindi na nagkausap-usap. Pero, ayon, bumalik ulit sa dati. Tapos nagkandayayaan at ako na naman ang manlilibre.

By the way, highway, sila nga pala sina John Lemuel A. Sajorda or Lem Sajorda, ayon sa Facebook account niya,  isang magaling na  CTHM student  sa San Sebastian College Recolectos Manila at sabi niya sa akin na magaling siang mag-Taekwondo. Minsan ko lang siyang nakakausap, pero lakas makapangtrip. Atsaka yung isa naman ay si Rose Anne Lllana Galas or Roan Galas, ayon din sa kanyang Facebook account, isang BSA student ng FEU, eto yung lagi kong nakakausap, mas malakas ung trip nito kesa sa nauna. Well, nung nagkita-kita kami, parehas silang may Apple phone at nilalaro ung app na parang isang restaurant at nakalimutan ko na yun.

At eto na nga, nangyari na siya. Sa may SM Megamall naganap ang pagkikita namen, magkikita ata kami sa tapat ng isang restaurant at dahil ako yung late, ako yung huli nilang makikita, nagtago nga muna ako sa kanila para makita ung mga itsura nila haha. Oh well, ganun din naman ang itsura nila dun sa mga dp nila sa mga networking sites. Walang pinagbago. Haha. Then, ayon nagkita na kami, lumapit ako sa kanila haha. At nanuod na kami ng sine. Oo nga pala, niyaya ko nga pala sila na manuod ng sine at take note, first time kong manuod ng sine na isang Pinoy film at hindi lang basta Pinoy film, isa siyang independent film. Ang Babae Sa Septic Tank ang palabas, madaya si Roan dahil napanuod na niya ito pero wala siyang magagawa dahil kaming dalawa ni Lem ay di pa nakakapanuod nun. Uber sa laughtrip ang palabas na iyon at pagkatapos na aming mapanuod, ay kainan time na at siempre, ako yung manlilibre. Wala kaming maisip kung saan kami kakain atsaka ako yung lagi nilang tinatanong kung saan daw kakain. I think, I therefore conclude that na ang pinakamahirap na isagot na tanong ay iyang tanong na yan. Ayaw naman ni Lem sa Pizza Hut dahil nagsawa na siya doon dahil nga naman doon siya nag-OJT. Kaya ayun napapunta kami sa kalaban nito, ang Greenwich. At doon mas marami pang nangyari ang naganap. Pulos mga tsika, kwento at kung anu-ano pa. Ang binili pala namen ay yung Barkada Meal na mayroong 1 double overload ham and cheese pizza, 3 pizza fries and 3 baked mac. At bumili pa kami ng isang double pepperoni dahil peyborit iyon ni Lem haha.

CRITIC:
Ayon sa pagkakatanda ko, ito na lang ang natira.
-Masyadong matagal ang pagseserve dahil siguro sa dami ng customers na bumibili sa kanila.
-Basta pizza, masarap sa akin kahit anu pa yan. Eto lagi yung kine-crave ko. Wala na kayong magagawa. Lalo na kapag siya ay may pinya. (Hawaiian). Pero walang pinya, kaya ayun parang may kulang.
-Baked Mac, mas preferred ko sa kanila ang lasagna kasi mas masarap yun sa kanila.
-Fries, masyadong ma-oily at ayaw ko pa naman ng ganun.

Pepperoni
Ham & Cheese (Sorry kung blurred) 
Yung natirang pagkain namen dahil super busog na kami. Binigay namen kay Lem.  Dahil peyborit nia ang pepperoni.
Waaah! Ako to ah!




Ubos na ata ahha.
Overall Rate: 4/5
Kung mahaba ang pasensya mo at mahaba pa naman ang oras mo, kelangan mo lang talagang maghintay. 

Tuesday, January 3, 2012

RAPSA: HANAYO'S KOREAN CUISINE

August 15, 2010. Unexpected ang pagpunta namen sa Hanayo, hindi namen aakalain na dun kami kakain. Niyaya na lang kami (Ariz, Franz, Zarah at ako) nina Khrizia at Joyce sa pagpunta dun dahil dapat talaga ay sa Thursday pa kami pupunta. Sumama kami except kay Zarah na ewan ko kung saan sia pumunta. Bumili kami at sabi ni Franz eh lilibre nia kami ng 500php bilang pamblowout sa nalalapit niyang birthday.

Hanayo sa may Antonio St. near Dapitan
Ariz (Top Left), Khrizia (Bottom Left), Franz (Top Right), Joyce (Bottom Right)




The Menu

 



Hanayo's Counter with their sign
Mga Binili namen. Range of the price (P70-P300)
One of the Bestsellers at isa sa lagi naming binibili sa kanila every time na binivisit namin ang Hanayo. Masarap ito dahil  lasang corn sia para sa kin tsaka ang sarap talaga. Try nio para mahumaling din kayo. 


Kimchi, yung kanilang side dishes. I'm sure matotolerate niyo yung anghang na nilalagay nila dito at wag kainin ng buo kapag mahina sa mga maanghang.

Beef Bulgogi

Rameon, isa sa pinakamura nilang pagkain at isa rin sa kanilang tinaguriang Bestsellers. Masarap siya at matotolerate mo din yung anghang ng noodles na ito. 
 And then, napagtripan pa namin na bumili ng korean ice cream. Ang binili ko ay Melona's Strawberry Ice Cream.
Ang mga ice cream na binebenta sa kanila ay (P35-P55) lang. 
Masarap, malalasap mo talaga yung strawberry dito sa ice cream na to at hindi sia madaling matunaw. :D
Overall Rate: 4.75/5 
Although na masarap ang binebenta nila eh yung location ng place ay dun bumagsak. Antonio St. ay street ng mga nagyoyosi, mauusukan ka muna bago ka pumasok ng Hanayo. :/

Sunday, January 1, 2012


It's HungryThirstCrave's 1st Anniversary!!! 
So, meron kaming special sa inyo. 
RAPSA: The Hidden Stories of 2011! 
This January 2012! 

Wednesday, December 21, 2011

Mang Inasal- Latest Addiction! :D

Sobra na itong dapat iwasan! as in seryoso! My gym buddy, kaclass, and <3, Allen Briones and I was planning to change our sedentary lifestyle and update our fitness routine. And it goes like pretty much like this...


Allen: Magym na talaga tayo, kelangan ko na talaga maggym.
Me: Grabe! Ako din!
Allen: Di na ako makapaggym. Papayat na ako.
Me: Grabe! ako din tingnan mo naman braso, kelangan na natin maggym!
Allen: Kelan?
Me: Ayusin natin sched natin. Kelan ka pwede? Tuesday?
Allen: May briefing..
Me: Wednesday am?
Allen: Di pwede math ng umaga.
Me: Sige, thursday pm?
Allen: okay, pwede din...


After couple days...
Thursday na! Magmimeet kung saan sa uste...
Me: Hey, musta?
Allen: Okay lang, Tara. Grabe... gutom na ako d ko alam bakit ako gutom. Pero gutom na gutom na ako.
Saan mo gusto kumain?
Me: ahhmmm... Mang inasal? unli rice?
Allen: Gusto mo?
Me: Hmm.. okay.


Fail na gym buddy!
O.o
END OF STORY


SO ANYWAY, THIS IS MY REVIEW SA EVER SO TASTY AND TEMPTING, UNLIRICE NG MANG INASAL. As far as I know sila ang nagstart ng unlirice trend here in the Phils, that is very affordable and masa effect. Added the fact that it has a fast food style like Jollibee and Mcdo that we are very used to.
Our favorite meal in Mang Inasal, SM2 - Pecho with unlirice.


Fact: Inasal is another word for roast or inihaw. :D


Takaw ni allen! xD


SM 2- sorry medyo bawas na. :p




Here's my review: 

PRO:
- affordable 99php only
-  unli rice with unli soup!
- sinigang soup all the way..
-  superb rice!
- very big servings of  delicious and well-cooked chicken inasal.
- their ice cream are the best considering its price.

CONS:
- the soy sauce taste weird.
- slow service...but understandable... kay allen hnde!
-  less food choices than other inasal restaurants.




I need to stop eating at Mang inasal or else goodbye dream body!
But for all tough guys with a never-ending stomach this resto/fastood chain
is definitely for you! :p Try it now! Available in Morayta, Dapitan, and Vicente Cruz!


                         Merry Christmas and Happy New year!
                                  Please share our blogs!:p
                                       Thanks!

Bibingkinitan. :D

I've been loving bibingkas since one time that I'm sooo hungry that it was the first thing I saw in the mall. Plus, I was waiting for my special friend, Allen because we will watch some random movie. Yay!! They sell this babies for 20php so I decided to give it a try. :) And hell yeah!!! I LOVE IT! So moist and fluffy! And my favorite part? The sweetness of bibingka bread mix with the salty goodness of salty eggs-itlog na pula and cheese! Hmm.. spread some butter and add some shredded coconut meat ... PERFECT!

For those who don't know what bibinka is. It is basically the DONUTS of FILIPINOS. It is our culture that every end of simbang gabi, Filipinos usually buy/eat  bibingka or puto bumbong before going home after the mass.

Value Meal! Bibingka with barako coffee for 50php
Yummy Meryenda. :D

Here's my review about the  food:

PRO:
- delicious
- very pinoy!
- perfect taste of sweet bread and salty egg
- good food when ur just waiting for someone/ want to have a light meryenda.
- PERFECT PASALUBONG!

CONS
- long time preparation
- a bit pricey for a meryenda
-  for those who want to suffice their hunger this food will disappoint u big time! :p


:) try it out this SIMBANG GABI SEASON! :)