MONDAY. JANUARY 18, 2010. 11.45 Umalis na kami sa labcon ng Biochemistry Lab. Uyyy. May nagtext, si Mae sabi nia nauna na silang kumain kasama sina Melvin, Arvie at Lucky sa may Concepcion St. Kaming natira na sina Roanne at janica diretso kami agad dun at nakita nakasalubong namin sila dun at tapos nang kumain, pumasok na lang kami sa Big Martha. no choice, andun na kami. Ang bitter namen kasi sabi ko sa kanila wag namin silang kausapin kasi iniwan kaming kumain. Pumasok din sila dun sa Big Martha at nakita namin si Hazel na bumibili ng pagkain dun at siya lang kinausap namen. Napag-isipan namen na SIOMAI with Rice ang kinain namen dahil mura na at masarap pa. Ayun kumain na kami at umalis na sina Arvie don. ANG ANGHANGGGGG! Super ung sawsawan kahit konti na ung pinalagay mo na chili sauce, maanghang pa din haha. Kelangan mo ng matindi at maraming tubig sa sawsawan. Parang magkakaroon ka ng almoranas doon hehe. Pero ewan ko ba kung bakit pero masarap talaga wala na akong magagawa eh.
|
SIOMAI WITH RICE P35 |
|
SI HAZEL, KUMAKAIN NG KALDERETA ATA, RANGES P55-65 |
|
SI JANICA, KUMAKAIN NG SIOMAI |
|
SI ROANNE, KUMAKAIN DIN NG SIOMAI |