Sunday, August 14, 2011

HAM AND CHEESE SANDWICH

Suki ako lagi ng isa kong kaibigan sa kanyang pagbebenta ng mga sandwich kaya eto bilang pagpugay sa kanya ay ipopromote ko ang kanyang binebentang pagkain. Isa na nga roon ang kanyang Ham & Cheese Sandwich. Sa totoo lang, marami siang binebenta na sandwich at even pasta. Pero ito na yata ung pinakadabest niang binebenta lalo na't masarap talaga. Alam mo yung ginigrilled nila muna ung sandwich tapos lalagyan nila ng butter. Yami talaga tapos tadtad pa ng cheese kaya ko nagugustuhan. 30 php lang pero sulit. 
Rate: 5/5

Sia ung nagbebenta sa akin ng sandwich
Name nia is Maria Francesca Lirio
Pwede nio siang kontakin sa kanyang fb account
at lagi din silang nagbebenta sa Makati. I dunno kung saan. 

BIG MARTHA'S AVOCADO at DARK CHOCOLATE ICE CREAM

Hindi ba halata na paborito ko yung mga ice cream ng Big Martha?


Kahit na hindi ko nagustuhan ang Pistachio ice cream nila ay hindi pa rin ako sumuko sa pagtikim ng iba nilang flavors.


AVOCADO ICE CREAM
Kapag ito yung bibilhin mo, sa umpisa, parang may after taste which ito yung avocado pero kapag lagi mo na siang tinitikman nawawala yung after taste nia. Masarap sia infairness, lalo na't lasang lasa mo talaga ang avocado. Kaya naman pala isa ito sa kanilang best seller. Sulit ang 25 pesos mo kapag bumili ka nito.
Rate 5/5

DARK CHOCOLATE ICE CREAM
Dahil nga wala na yung gusto ko sanang bilhin na strawberry field ice cream kaya ito na lang pinili ko, no choice eh. Pero aus lang masarap na rin sia kahit paano. Yun nga lang hindi sia katulad ng dark chocolate talaga, parang ordinaryong chocolate lang sia pero aus na rin kahit papano may konting pait. Atsaka nga pala huwag na huwag kayong bibili ng matigas na ice cream sa kanila dahil mahirap ihulma bilang bilog at madaling matunaw.
Rate 4/5

ALL TIME HAPAG KAINAN: PORK CHOP w/ RICE

Last Friday, Kasama ko sina Arvie, Bianca, Lorraine at Noreen sa Hapag-Kainan, hindi kasi kakain yung mga kasama ko eh kaya ako na lang kakain at nakita ko sila sa may pav at nagyaya sila sa hapag kumain. Kaya go lang. Bumili ako ng pork chop na lagi kong binibili sa kanila. Gusto ko kasi ung pork chop nila, crunchy lalo na yung taba. yun nga lang oily kaya nakakadiri rin minsan pero masarap na rin. Mura lang sia pagbinili mo kasama ung rice mga 41 pesos sia. Nilagyan ko rin pala yan ng calamansi kaya naging maasim sia na lalong nagpasarap sa pork chop.
RATE 4/5 (OILY KASI)

PAGKAIN SA BAHAY.

Maraming pagkain sa aking bahay. Lagi kaming binibigyan ng mga kapitbahay namen ng pagkain or bumibili kami ng kung anu-anung maisalpak sa bunganga.


SUMAN w/ SAWSAWAN
Bigay lang ito sa amin nung kaibigan ni Itik. Marami siang binigay na suman pero ung sawsawan na namimiss ko talaga dati pa eh konti lang, ngaun lang ulit ako makakatikim ng sawsawan ng suman eh. Kaya ayun ako na ang nagubos ng suman at sawsawan at hindi ko na tinirhan ang ate ko. Gustong-gusto ko talaga ung sawsawan sa totoo lang masarap sia at manamis-namis pero un nga lang kulang iyon sa sumang malaki kaya parang gusto ko pa. 
Rate 4/5

CASSAVA CAKE
Si mama bumili sa labas ng isang dosenang cassava cake at isa na lang ang natira sa akin. TT, malagkit sia actually kaya ang hirap niang kainin, pero pagnatikman mo sia, oh lala, ang sarap sarap. Iba yung sarap nia, matamis sia na may pagkamapait balanseng-balanse yung lasa nia ung tamis at pait kaya magugustuhan mo talaga. At gusto ko pa. Nakaka-crave.
Rate 5/5

Nutella Sandwich at Cookies
Dahil nagugutom na ako, kumain na lang ako ng sandwich na may palaman na nutella at ilang cookies na nabili ko sa tindahan.



'Filipinized' Italy, 'Batangasized' Vitamin C. LOL


Foodies! First time kong mag-post dito sa Hungry, Thirst, Crave bilang isang contributor, and well, pinag-isipan ko ang magiging first food blog ko.

Inside story:
Last Sunday pa ako ginawang contributor ni Matthew sa blog niya, pero dahil sobrang duty-bound at toxic ang week na ito, hindi ako makaisip ng idea kung ano ang iba-blog ko. Matt even asked me to cook na lang LOL, pero dahil busy nga, wala talaga. Until yesterday, with ate Cherry, ate Patty and Ate Tyne of Ang Pamantasan. So naghanap kami ng makakainan aside from the University Canteen (na hate na hate ko at di ako kumakain dun), at nakaabot kami sa likod ng Mapua. Well, alam ko naman yung kainan dahil sila ang naging official concessionaire namin noong overnight orientation. Pero di ko alam na may ganoong food pala sa kanila. And here comes the "Filipinized Italy."




Isa sa bestseller ng lugar na ito (call it anonymous, di ko talaga alam ang name ng carinderia at wala ring signage sa labas) ang sizzling spaghetti (now you know why filipinized italy? K.) and out of curiosity, bumili kami ni Ate Cherry. It just took us three minutes to have our food na. And here's the catch: PhP25 lang siya! Not bad para sa mga nagtitipid. And masarap siya, promiiiisssse!
The pictorial representation of the process. :)
Rate: 5/5


-----
Kanina lang, while I was editing the first part of my short film for Rhetoric, my sis-in-law gave me santol and a fruit na very strange to meh. Ang tawag daw dun, valencia. Bago siya for me, galing daw Batangas. So I didn't hesitate to try it. And para kong kumain ng purong vitamin C lol.


Ganito yung hitsura niya. And yes, yung seeds ang kinakain. :)

better with sili and asin. :)
And dahil dyan, feeling ko punong puno na ako ng panlaban sa ubo at sipon lololol. Ayun, overall, enjoy naman siya kainin, naka-tatlo ako! :) The bessst!

Rating: 5/5

So foodies, alam kong super bitin ito dahil medyo rush rin ang paggawa (yung part two ng manuscript ko for my short film di pa tapos!) pero don't worry, babawi ako! I'll bring you next time sa mga underground food search ko! Marami pa yan sweeaaaar!

So, vberni nga po pala, ang inyong lingkod! :) Click the link, para maredirect ka sa blog ko! Pakibasa na rin!