Around August, for the first time in the history, nangyari na rin ang dapat mangyari! Isang taon din ang nakalipas nang kami ay nagkandayayaan na magkita-kita. Actually, ako yata ang nagyaya na magkita-kita kami. Wala lang. Trip lang. Atsaka alam mo yun, parang "close" kami nitong mga "tinuring" kong mga kaibigan mula sa isang social networking site noong time na iyon. Nakakatuwa nga kasi ang lakas ng trip nilang dalawa dahil ako yung dapat na manlibre na dapat sila yung manlibre dahil mas matanda sila. Oh well, dahil "mabait" ako at "friendly" (anu daw), pumayag naman ako. Pero bakit tumagal ng isang taon? Kasi ayon, nagkalabo-labo, walang time, laging busy atsaka wala akong pera lagi. Tapos, humantong pa sa away at hindi na nagkausap-usap. Pero, ayon, bumalik ulit sa dati. Tapos nagkandayayaan at ako na naman ang manlilibre.
By the way, highway, sila nga pala sina John Lemuel A. Sajorda or Lem Sajorda, ayon sa Facebook account niya,
isang magaling na CTHM student sa San Sebastian College Recolectos Manila at sabi niya sa akin na magaling siang mag-Taekwondo. Minsan ko lang siyang nakakausap, pero lakas makapangtrip. Atsaka yung isa naman ay si Rose Anne Lllana Galas or Roan Galas, ayon din sa kanyang Facebook account, isang BSA student ng FEU, eto yung lagi kong nakakausap, mas malakas ung trip nito kesa sa nauna. Well, nung nagkita-kita kami, parehas silang may Apple phone at nilalaro ung app na parang isang restaurant at nakalimutan ko na yun.
At eto na nga, nangyari na siya. Sa may SM Megamall naganap ang pagkikita namen, magkikita ata kami sa tapat ng isang restaurant at dahil ako yung late, ako yung huli nilang makikita, nagtago nga muna ako sa kanila para makita ung mga itsura nila haha. Oh well, ganun din naman ang itsura nila dun sa mga dp nila sa mga networking sites. Walang pinagbago. Haha. Then, ayon nagkita na kami, lumapit ako sa kanila haha. At nanuod na kami ng sine. Oo nga pala, niyaya ko nga pala sila na manuod ng sine at take note, first time kong manuod ng sine na isang Pinoy film at hindi lang basta Pinoy film, isa siyang independent film. Ang Babae Sa Septic Tank ang palabas, madaya si Roan dahil napanuod na niya ito pero wala siyang magagawa dahil kaming dalawa ni Lem ay di pa nakakapanuod nun. Uber sa laughtrip ang palabas na iyon at pagkatapos na aming mapanuod, ay kainan time na at siempre, ako yung manlilibre. Wala kaming maisip kung saan kami kakain atsaka ako yung lagi nilang tinatanong kung saan daw kakain. I think, I therefore conclude that na ang pinakamahirap na isagot na tanong ay iyang tanong na yan. Ayaw naman ni Lem sa Pizza Hut dahil nagsawa na siya doon dahil nga naman doon siya nag-OJT. Kaya ayun napapunta kami sa kalaban nito, ang Greenwich. At doon mas marami pang nangyari ang naganap. Pulos mga tsika, kwento at kung anu-ano pa. Ang binili pala namen ay yung Barkada Meal na mayroong 1 double overload ham and cheese pizza, 3 pizza fries and 3 baked mac. At bumili pa kami ng isang double pepperoni dahil peyborit iyon ni Lem haha.
CRITIC:
Ayon sa pagkakatanda ko, ito na lang ang natira.
-Masyadong matagal ang pagseserve dahil siguro sa dami ng customers na bumibili sa kanila.
-Basta pizza, masarap sa akin kahit anu pa yan. Eto lagi yung kine-crave ko. Wala na kayong magagawa. Lalo na kapag siya ay may pinya. (Hawaiian). Pero walang pinya, kaya ayun parang may kulang.
-Baked Mac, mas preferred ko sa kanila ang lasagna kasi mas masarap yun sa kanila.
-Fries, masyadong ma-oily at ayaw ko pa naman ng ganun.
Pepperoni |
Ham & Cheese (Sorry kung blurred) |
Yung natirang pagkain namen dahil super busog na kami. Binigay namen kay Lem. Dahil peyborit nia ang pepperoni. |
Waaah! Ako to ah! |
Ubos na ata ahha. |
Overall Rate: 4/5
Kung mahaba ang pasensya mo at mahaba pa naman ang oras mo, kelangan mo lang talagang maghintay.
No comments:
Post a Comment