Last Wednesday, August 3, 2011, beyond 11:30 AM, nagkita kami ni Khrizia sa library at nagyaya ako kumain ng tanghalian. Alam mo naman na kapag kami ang pinagsama, sa mumurahin kami kakain at alam mo na kung saan yun, sa Big Martha o di kaya sa Hapag Kainan kaya dun kami ulit sa Big Martha para mabilis kaya dun kami. Si Khrizia, may sariling baon, todo tipid talaga yung kuripot na yun kaya ako na lang bumili. Pagbungad sa akin ni ate sabi nia, "SIOMAI with RICE?" haha natawa na lang ako sa sinabi nia, at umoo na lang sa aking pagbayad, naisip ko na bumili ng pistachio ice cream kung anu ba ung lasa nun. So, binili ko un. Nung pinapakita sa akin kung paano nila ilagay, hehe natuwa ako kasi nga ang laki naman. Tapos bumalik ako sa aking upuan at kinain ko muna ng ung siomai at sinunod ko ung ice cream.My critic:
- Una kong naisip kung anu lasa sia, LASANG MAY MINT
- Tapos nakitikim si Khrizia sabi nia, LASANG GAMOT.
- Sabi ko naman, LASANG ROBITUSSIN
- MALAKI sia infairness
- Masarap yung wafer cone
My Rate: 1.5/5
Masarap lang talaga ung wafer cone.