Sunday, January 23, 2011

STO TOMAS ICE CREAM



WALANG PASOK, FRIDAY, JANUARY 21, 2011. Walang pasok nun due to internation conference of nurses eh kaso nga lang kaming tatlo na sina Josette, Khrizia eh bumalik ng UST para sa report namen. After noon kumain kami ni Khrizia ng ice cream sa may tinapay. As usual, nangingilo ang mga ngipin ko kapag sa tinapay ako kumakain eh. Strawberry, Chocolate at Cheese ung mga flavor ng ice cream, umistambay muna kami sa may harap ng main lib bago pumasok dun at magsearch.


AKO AT SI KHRIZIA
P15 NA ICE CREAM SA TINAPAY

PIZZA HUT'S HAWAIIAN AND PEPPERONI

PAGKAUWI, THURSDAY, JANUARY 20, 2011. MARAMI TALAGANG NANGYARI DITO SA AKIN AH. PURO PAGKAIN. Pagkauwi ko naman ay nakita ko sina mama na kakauwi rin. Binigyan agad nila ako ng pagkain at tatlong slice ng Pizza Hut, isang Pepperoni at 2 Hawaiian, ang peyborit ko. Humingi si ate ng isa kaya binigay ko sa kanya isang Hawaiian. Kinain ko yung dalawa. Tsarap. Hehe. Habang ako ay nagnenet ay kumakain ako.

2 FOR P55 na PIZZA

LEGARDA'S STREET FOOD

BANDANG MGA ALAS KWATRO, THURSDAY, JANUARY 20. Papuntang Legarda Station nang napagisipan ng mga kaibigan ko na sina Arvie, Bianca at Khrizia na kumain ng mga street food sa may Legarda. Hindi ako bumili. Sila lang, ayaw kong kumain baka sumakit ung tyan ko at hindi ako sigurado sa pinaghahalo nila. Silang tatlo lang ang bumili ng mga kwek kwek, chicken skin, buko juice at orange juice.

CHICKEN SKINS

KWEK KWEK, FISHBALLS atbp




ANTONIO ST'S PORK LIEMPO

PASADO ALAS DOSE, THURSDAY, JANUARY 20, 2011. Napag-isipan namen na pumunta kami sa Yabooh kaso nga lang nung napadaan kami sa Antonio na katabi lang ng Yabooh, doon na kami kumain kasi ang mura eh. Akalain mo yun, P35 lang ang isang pork liempo with rice. Nandun kami sa may labas, sa may kalye napadpad at kakain. Pagdating sa amin ng pagkain na bitbit ni Janica nagulat kami sa kapirangot na pork liempo at kanin. Take note na parang P5 lang ang kanin at parang kalahating liempo yun. At sa tingin mo pa lang parang hindi masyadong naluto ung liempo. Tinikman ko na yun at tama nga, mas masarap pa ung gawa ng nanay ko na liempo mas bongga pa dahil marami. Sabi nga ni Mae na kasama namin, dapat sa Yabooh na lang kami kumain. Tama nga sia, kasalanan ko kasi to eh. Hahaha. Oh, well, inubos na lang namin nina Roanne, Kirsten, Mae at Janica ung kinain namen at umalis. Sa susunod hindi na kami dun kakain. Pero ang daming bumibili ng pagkain nila. Nagextra rice pala ako para solve dun sa liempo.


P35 NA LIEMPO WITH RICE
P5 NA EXTRA RICE?