Saturday, January 22, 2011

MEDCAFE: "GININTUANG" SISIG

12:30, TUESDAY, JANUARY 18, 2011. Medyo na-late na kaming lumabas kasi tsinek pa namen ung mga scores sa mga exercises ng Anaphy. Lalo na yung sa akin, wala palang napasa na scoresheet so ginawa ko yun kaya ang tagal naming lumabas. Napag-isipan na rin namen na sa medcafe kami bumili dahil na rin ito yung pinakamalapit at nandito lang sa building namen kahit na mamahalin ang mga paninda duon. Ayun bumaba na kami mula 4th floor hanggang sa 1st floor kung saan nandun ang Medcafe. Kasama ko sina Mae, Janica at Roanne pero sila ang binili nila ay ang siomai na tig-P35 lang. Binili ko kasi ung sisig nila na take note, P75 ang isa! MADAPAKAHHH! Ang mahal, dati mga 60 sila na, naging 65 na ngaun P75! Bongga, tama nga ang sinabi ni Ma'am Toooot na may ginto sa mga pagkain nila haha. Ayun, kumain ako, kinain ko ang kapirangot na kanin nila at ang walang laman na puro taba na sisig. Pero, masarap na rin ung sisig nila ah, na-maintain pa rin ung pagkasisig nia kahit na nagmahal sila. Atsaka nag-extra rice pa ako kasi sa sobrang dami ng sisig na binigay nila. So bale P85 pesos na rin un. Kinakabahan pa rin ako baka madale akong ginto. Hahah



P75 na SISIG
+ P10 na extra rice
= GINTO

No comments:

Post a Comment