Friday, January 14, 2011

RENDHEL'S LUTONG PINOY

JANUARY 15, 2011. TGIF! Aun same people na naman ang kasama ko, sina Arvie, Janica, Mae, Lucky, Roanne at melvin ang nakasama ko at same na naman ang tanong na lagi nameng sinasabi, "San tayo kakain?" Well, hindi ako nagpaawat sa kanila na sa bagong karinderya kame kakain kasi naman gusto ni Arvie sa Samantha Sizzling na naman kami kumain dahil nagustuhan nia ang traditional adobo na kinain ko at si Lucky naman ay na-curious dun. Oh well, aun napadpad na naman kami sa Asturias na kung saan malapit kina Samantha ang kinainan namen kahapon, ang Rendhel's Lutong Pinoy. 
Halata naman kina Rendhel na mga Filipino dishes ang inihahain nila kasi sa pangalan pa lang, alam mo na. Okay, ganito yun maraming putahe kina Rendhel atsaka parang fast food chain sa kanila, self service ang ginagawa nila unlike kina Samantha. (Sensya na kung ginagawa kong tao ang mga karinderya haha.) Aus naman ang pagseserve nila sa amin, pero bingi ata yung isang babae hindi ako naririnig kahit anung pilit kong laksan ung boses ko, wala pa rin. 
Well, ang napili ko, ung Longsilog na-tigti-38 pesos. Alam nio naman siguro ang Longsilog diba? Ung sa iba, ang Longsilog, ito ay pinagsamang Longganisa at Itlog kaso nga lang, walang itlog ung binigay na hinayupak na babae un sa akin at take note, 38 pesos pa rin ung pagkain ko. Nagdadag pa ako ng isa pang longganisa dahil hindi na ako nakakakain nun at isa ring extra rice (ang takaw ko). At take note pa, 20 pesos ung Longganisa nila ah, madapakah ang mahal, pinabayaan ko na lang sila dahil nagugutom na ako at ayaw ko na ring magtanong. Bale mga P68 na ang nagastos ng bonggang-bongga. Kinain ko na lang yun pero infairness matamis ung longganisa unlike ung flavor na barbecue ng longa na laging nabibili ni mama. Sa isang longganisa pa lang ang nakakain ko at ubos na ung dalawang extra rice, akala ko pa naman mabilis kong makakain ung ulam un pala hindi. So, yung isa pinapak ko na lang at ako ay biglang nabusog na. 
Habang ang iba ay kumakain nanunuod kami dun sa tv nila ng dobol trobol pampalipas ng oras atsaka kami ay umalis na.



P38 NA LONGSILOG NA WALANG ITLOG
P20 ISANG LONGGANISA
P10 EXTRA RICE
P68 = TOTAL

No comments:

Post a Comment