LUNCH BREAK, kami na namang magkakaibigan ang magkakasama; janica, mae, roanne, lucky, arvie at may bagong kasama na si melvin. Hindi namen alam kung saan kami kakain that time. Iniisip ba namen kung dun ba ulit sa dati na chicken sisig ang kinain namen or bago naman. Napagisipan nila na sa bago kame kakain, pumunta kami sa kalye ng Asturias na kung saan sa umpisa nagkalabuan kami kung saang karinderya kami kakain. Gusto ni Melvin dun sa isa pero ang halos lahat sa amin ay sa Samantha Sizzling. No choice, majority wins. Dun na lang kami sa Samantha. Pagkapunta namin dun ang apat sa amin sinasabi na nila ung kanilang pagkain sa "waiter" eh wala akong maisip kung ano kakainin ko, pinipili ko kasi ung adobo o sisig, pinili ko ung traditional adobo kasi mukhang presentable sa pic nia dun kesa sa sizzling sisig na kakakain ko lang dati.So ayun, nung binigay na ung mga pagkain, parang nanghinayang ako, wala man lang sabaw ung adobo na literal naman may sabaw kapag ako ay kumakain tapos parang pangit lasa kasi sa itsura, sayang lang ung P45 na pinambayad ko. But then, nagkamali ako. Masarap pala sia, ung sabaw na nawala, nakaimbak dun sa karne, sinipsip ng karne ang sabaw at ang karne ay malambot unlike sa iba na matigas talaga na kadalasan nagkakaroon ako ng tinga. Sabi sa akin ni arvie, "Dapat nag-sisig ka na lang, mas madami pa kesa sa adobo na yan." Wala na lang akong masabi sa kanya para sia na lang makalam kung gano kasarap ung kinakain ko. Tapos maya-maya nakitikim si Arvie, nasarapan sia. Tapos dun na lang ako nagsalita, sabi ko, "SISIG pa? Dapat nag-adobo ka na lang, mas MASARAP kesa sa sisig na yan." And then, nakitikim si Mae, nasarapan din. Aun nag-extra rice na ako kaso madami pa din ung ulam ko. Binigay ko na lang sa kanila, hindi ko natikman ung sisig ni arvie pero natikman ko ung liempo ni mae. ung kay mae hindi gaano kasarap kaya wag un ung bibilhin nio. Then, nagbayad na kami at balik sa USTe.
No comments:
Post a Comment