Sunday, January 23, 2011

STO TOMAS ICE CREAM



WALANG PASOK, FRIDAY, JANUARY 21, 2011. Walang pasok nun due to internation conference of nurses eh kaso nga lang kaming tatlo na sina Josette, Khrizia eh bumalik ng UST para sa report namen. After noon kumain kami ni Khrizia ng ice cream sa may tinapay. As usual, nangingilo ang mga ngipin ko kapag sa tinapay ako kumakain eh. Strawberry, Chocolate at Cheese ung mga flavor ng ice cream, umistambay muna kami sa may harap ng main lib bago pumasok dun at magsearch.


AKO AT SI KHRIZIA
P15 NA ICE CREAM SA TINAPAY

PIZZA HUT'S HAWAIIAN AND PEPPERONI

PAGKAUWI, THURSDAY, JANUARY 20, 2011. MARAMI TALAGANG NANGYARI DITO SA AKIN AH. PURO PAGKAIN. Pagkauwi ko naman ay nakita ko sina mama na kakauwi rin. Binigyan agad nila ako ng pagkain at tatlong slice ng Pizza Hut, isang Pepperoni at 2 Hawaiian, ang peyborit ko. Humingi si ate ng isa kaya binigay ko sa kanya isang Hawaiian. Kinain ko yung dalawa. Tsarap. Hehe. Habang ako ay nagnenet ay kumakain ako.

2 FOR P55 na PIZZA

LEGARDA'S STREET FOOD

BANDANG MGA ALAS KWATRO, THURSDAY, JANUARY 20. Papuntang Legarda Station nang napagisipan ng mga kaibigan ko na sina Arvie, Bianca at Khrizia na kumain ng mga street food sa may Legarda. Hindi ako bumili. Sila lang, ayaw kong kumain baka sumakit ung tyan ko at hindi ako sigurado sa pinaghahalo nila. Silang tatlo lang ang bumili ng mga kwek kwek, chicken skin, buko juice at orange juice.

CHICKEN SKINS

KWEK KWEK, FISHBALLS atbp




ANTONIO ST'S PORK LIEMPO

PASADO ALAS DOSE, THURSDAY, JANUARY 20, 2011. Napag-isipan namen na pumunta kami sa Yabooh kaso nga lang nung napadaan kami sa Antonio na katabi lang ng Yabooh, doon na kami kumain kasi ang mura eh. Akalain mo yun, P35 lang ang isang pork liempo with rice. Nandun kami sa may labas, sa may kalye napadpad at kakain. Pagdating sa amin ng pagkain na bitbit ni Janica nagulat kami sa kapirangot na pork liempo at kanin. Take note na parang P5 lang ang kanin at parang kalahating liempo yun. At sa tingin mo pa lang parang hindi masyadong naluto ung liempo. Tinikman ko na yun at tama nga, mas masarap pa ung gawa ng nanay ko na liempo mas bongga pa dahil marami. Sabi nga ni Mae na kasama namin, dapat sa Yabooh na lang kami kumain. Tama nga sia, kasalanan ko kasi to eh. Hahaha. Oh, well, inubos na lang namin nina Roanne, Kirsten, Mae at Janica ung kinain namen at umalis. Sa susunod hindi na kami dun kakain. Pero ang daming bumibili ng pagkain nila. Nagextra rice pala ako para solve dun sa liempo.


P35 NA LIEMPO WITH RICE
P5 NA EXTRA RICE?

Saturday, January 22, 2011

BIG MARTHA'S PORK ADOBO


11:30, WEDNESDAY, JANUARY 18, 2011. Nagmamadaling pumunta sa pagkainan. Pumunta agad kami sa Big Martha kasama sina Kirsten, Roanne at Janica dahil inunahan namin sina Mae, Arvie at Lucky. (Gantihan lang men.) Atsaka na rin sa maraming riribyuhin sa Anaphy. First time daw sa history ko na bumili ng iba hindi lagi na lang siomai ang sabi yan sa akin ni janica. Dahil ang binili ko pork adobo. Wala lang trip ko lang bumili ng pork adobo. Marami silang naibigay na pork adobo. Ang dami, kulang sa isang rice na binigay nila. Kumain na kami at natikman ko ang adobo, sakto lang. Hindi sia masarap gaano at hindi rin sia pangit. Pero matigas ang karne nila, may pagkamaasim. Everytime na lang na kumakain ako ng adobo, namimiss ko ung luto ng nanay ng bestfriend ko dati na manamis-namis na adobo. Umalis na agad ako at iniwan ko na sila dun dahil may pupuntahan ako. P60 pesos pala yun. Sensya na kung walang pic akong nalagay, nakalimutan kong picturan dahil nga nagmamadali ako.

MEDCAFE: "GININTUANG" SISIG

12:30, TUESDAY, JANUARY 18, 2011. Medyo na-late na kaming lumabas kasi tsinek pa namen ung mga scores sa mga exercises ng Anaphy. Lalo na yung sa akin, wala palang napasa na scoresheet so ginawa ko yun kaya ang tagal naming lumabas. Napag-isipan na rin namen na sa medcafe kami bumili dahil na rin ito yung pinakamalapit at nandito lang sa building namen kahit na mamahalin ang mga paninda duon. Ayun bumaba na kami mula 4th floor hanggang sa 1st floor kung saan nandun ang Medcafe. Kasama ko sina Mae, Janica at Roanne pero sila ang binili nila ay ang siomai na tig-P35 lang. Binili ko kasi ung sisig nila na take note, P75 ang isa! MADAPAKAHHH! Ang mahal, dati mga 60 sila na, naging 65 na ngaun P75! Bongga, tama nga ang sinabi ni Ma'am Toooot na may ginto sa mga pagkain nila haha. Ayun, kumain ako, kinain ko ang kapirangot na kanin nila at ang walang laman na puro taba na sisig. Pero, masarap na rin ung sisig nila ah, na-maintain pa rin ung pagkasisig nia kahit na nagmahal sila. Atsaka nag-extra rice pa ako kasi sa sobrang dami ng sisig na binigay nila. So bale P85 pesos na rin un. Kinakabahan pa rin ako baka madale akong ginto. Hahah



P75 na SISIG
+ P10 na extra rice
= GINTO

Monday, January 17, 2011

MCDO BUSTILLOS' HOT FUDGE SUNDAE


MONDAY. UWIAN NA, Kasama ko ang mga ka-LRT buddies ko na sina Arvie, Bianca at Khrizia at kasama rin namin ang nakikisabay na si Katreena. Napag-isipan namin na pumunta sa bagong Mcdo doon sa Bustillos na lagi nameng dinadaanan. Bumili nga pala kami doon ng kahit ano. Tapos, ang binili ang Hot Fudge Sundae na katulad ni Khrizia na dati'y ayaw niang bumili.

SUNDAE P25

SI KHRIZIA, KUMAKAIN NG SUNDAE

SI ARVIE, KUMAKAIN NG BRAZO DE MERCEDES SUNDAE P32

SI BIANCA COKE FLOAT AT BURGER

SI KATREENA MARAMI SIANG BINILI

BIGMARTHA's ALL TIME FAVORITE SIOMAI w/ RICE

MONDAY. JANUARY 18, 2010. 11.45 Umalis na kami sa labcon ng Biochemistry Lab. Uyyy. May nagtext, si Mae sabi nia nauna na silang kumain kasama sina Melvin, Arvie at Lucky sa may Concepcion St. Kaming natira na sina Roanne at janica diretso kami agad dun at nakita nakasalubong namin sila dun at tapos nang kumain, pumasok na lang kami sa Big Martha. no choice, andun  na kami. Ang bitter namen kasi sabi ko sa kanila wag namin silang kausapin kasi iniwan kaming kumain. Pumasok din sila dun sa Big Martha at nakita namin si Hazel na bumibili ng pagkain dun at siya lang kinausap namen. Napag-isipan namen na SIOMAI with Rice ang kinain namen dahil mura na at masarap pa. Ayun kumain na kami at umalis na sina Arvie don. ANG ANGHANGGGGG! Super ung sawsawan kahit konti na ung pinalagay mo na chili sauce, maanghang pa din haha. Kelangan mo ng matindi at maraming tubig sa sawsawan. Parang magkakaroon ka ng almoranas doon hehe. Pero ewan ko ba kung bakit pero masarap talaga wala na akong magagawa eh. 


SIOMAI WITH RICE P35

SI HAZEL, KUMAKAIN NG KALDERETA ATA, RANGES P55-65

SI JANICA, KUMAKAIN NG SIOMAI

SI ROANNE, KUMAKAIN DIN NG SIOMAI

Sunday, January 16, 2011

PIZZA HUT BISTRO's SUPER SUPREME

AKO KUMAKAIN NG PIZZA
SUNDAY, JANUARY 16, 2011. WUSHU! Nasa MOA ako that time, kasama ko si kua JJ at naglakwatsa kung saan-saan pero bago kami nasa MOA, nasa Isetann Recto kami at napagisipang pumunta sa MOA via LRT 1 DOROTEO JOSE - GIL PUYAT. Back to the topic, haha. Parehas kaming nagutom sa kaligitnaan ng paglalakad. Kagabi pa lang gustong-gusto na nia ang pizza so inisip ko sa yellow cab kami kakain (dahil first time ko sanang kumain nun) pero ang mahal, kulang kami sa budget bale mga P800 yun so alis na kami. Next stop sa SBARRO (shu-bar-ro), pagpasok pa lang namen ang bango na bigla tuloy akong nagutom haha tapos nakita namen ung mga pizza mga 70-170 php isang slice pero malaki kaso hindi dun ung binili namen. feeling ko kasi na mapapamura kami sa Pizza Hut so dun na lang kami bumili. Ang gusto ko pa naman ung Hawaiian ung favorite ko kaso ung gusto nia ung kakainin namen kasi hindi sia mahilig sa pinya kaya Super Supreme ang binili namen na tig 304.25 php ang isa (kasama na ang tax). Tapos aun tinake-out namen iyon at naghintay ng 15 mins at nung pagkabigay, umalis na kami at lumabas ng moa. Saktong sakto na natapat kami sa SBARRO na parang ang bitter namen kasi parang mas malaki pa ung slice ng SBARRO kesa sa tig-kalahating regular na pizza na kinakain ko haha. OH, WELL That's life. Kumain din pala kami ng Oishi Ridges, Kitkat at Hello na binili namen sa grocery sa Isetann. (Take note: ang tawag ko dati pa sa Isetann ay i-Setan parang katulad sa iPad, iPhone at iTouch).

PIZZA HUT's SUPER SUPREME
P299.75 - W/O TAX
P304.25 - W/ TAX

Friday, January 14, 2011

BIG MARTHA'S SUN TEA

SATURDAY, JANUARY 15, 2010. May make up class kame sa NCM 100 mga bandang 7:30-9:30 am at pagkatapos nun ay uwian na. Kasabay ko si janica na umuwi at kaming dalawa ay parehas na nagutom sa kalagitnaan ng paglalakad, napag-isipan namen na kumain saglit sa carpark ng UST atsaka kami ay aalis na. Tadaa, napag-isipan namen sa ALL-TIME FAVORITE na BIG MARTHA kami kumain, bakit ALL-TIME FAVORITE kasi lagi kaming kamakain dun eh. At ang binili namen ay ang ALL-TIME FAVORITE siomai with rice na 35 php lang. Pinabayaan ko na si Janica na siang bumili ng pagkain namen at babayaran ko na lang sia. Nagtanong sa akin si Janica kung bibili ako ng Sun Tea at ang sabi ko ay oo. 
Habang kumakain kami nagtext sa akin si JJ na ilalagay ko ba tong kinakain ko sa blog ko at takte nakalimutan kong kuhain ng litrato ang siomai with rice kaya next time na lang ko na lang kukuhaan at next time ko na rin sasabihin kung bakit namen paborito to haha. 
Well, ang napagdiskitahan ko ung SUN TEA na binili ko at ito ang pinost ko. Masarap at matamis siya, all time favorite rin ng mga Tomasino hindi lang kami. Atsaka mura pa. Atsaka ung WILD STRAWBERRY ang lagi nameng binibili kasi masarap. 


OISHI's SUN TEA ang nilalagay ng BIG MARTHA
BIG MARTHA's SUNTEA
P12 - SMALL
P20 - MEDIUM
P28 - LARGE

RENDHEL'S LUTONG PINOY

JANUARY 15, 2011. TGIF! Aun same people na naman ang kasama ko, sina Arvie, Janica, Mae, Lucky, Roanne at melvin ang nakasama ko at same na naman ang tanong na lagi nameng sinasabi, "San tayo kakain?" Well, hindi ako nagpaawat sa kanila na sa bagong karinderya kame kakain kasi naman gusto ni Arvie sa Samantha Sizzling na naman kami kumain dahil nagustuhan nia ang traditional adobo na kinain ko at si Lucky naman ay na-curious dun. Oh well, aun napadpad na naman kami sa Asturias na kung saan malapit kina Samantha ang kinainan namen kahapon, ang Rendhel's Lutong Pinoy. 
Halata naman kina Rendhel na mga Filipino dishes ang inihahain nila kasi sa pangalan pa lang, alam mo na. Okay, ganito yun maraming putahe kina Rendhel atsaka parang fast food chain sa kanila, self service ang ginagawa nila unlike kina Samantha. (Sensya na kung ginagawa kong tao ang mga karinderya haha.) Aus naman ang pagseserve nila sa amin, pero bingi ata yung isang babae hindi ako naririnig kahit anung pilit kong laksan ung boses ko, wala pa rin. 
Well, ang napili ko, ung Longsilog na-tigti-38 pesos. Alam nio naman siguro ang Longsilog diba? Ung sa iba, ang Longsilog, ito ay pinagsamang Longganisa at Itlog kaso nga lang, walang itlog ung binigay na hinayupak na babae un sa akin at take note, 38 pesos pa rin ung pagkain ko. Nagdadag pa ako ng isa pang longganisa dahil hindi na ako nakakakain nun at isa ring extra rice (ang takaw ko). At take note pa, 20 pesos ung Longganisa nila ah, madapakah ang mahal, pinabayaan ko na lang sila dahil nagugutom na ako at ayaw ko na ring magtanong. Bale mga P68 na ang nagastos ng bonggang-bongga. Kinain ko na lang yun pero infairness matamis ung longganisa unlike ung flavor na barbecue ng longa na laging nabibili ni mama. Sa isang longganisa pa lang ang nakakain ko at ubos na ung dalawang extra rice, akala ko pa naman mabilis kong makakain ung ulam un pala hindi. So, yung isa pinapak ko na lang at ako ay biglang nabusog na. 
Habang ang iba ay kumakain nanunuod kami dun sa tv nila ng dobol trobol pampalipas ng oras atsaka kami ay umalis na.



P38 NA LONGSILOG NA WALANG ITLOG
P20 ISANG LONGGANISA
P10 EXTRA RICE
P68 = TOTAL

Thursday, January 13, 2011

SAMANTHA SIZZLING





LUNCH BREAK, kami na namang magkakaibigan ang magkakasama; janica, mae, roanne, lucky, arvie at may bagong kasama na si melvin. Hindi namen alam kung saan kami kakain that time. Iniisip ba namen kung dun ba ulit sa dati na chicken sisig ang kinain namen or bago naman. Napagisipan nila na sa bago kame kakain, pumunta kami sa kalye ng Asturias na kung saan sa umpisa nagkalabuan kami kung saang karinderya kami kakain. Gusto ni Melvin dun sa isa pero ang halos lahat sa amin ay sa Samantha Sizzling. No choice, majority wins. Dun na lang kami sa Samantha. Pagkapunta namin dun ang apat sa amin sinasabi na nila ung kanilang pagkain sa "waiter" eh wala akong maisip kung ano kakainin ko, pinipili ko kasi ung adobo o sisig, pinili ko ung traditional adobo kasi mukhang presentable sa pic nia dun kesa sa sizzling sisig na kakakain ko lang dati.So ayun, nung binigay na ung mga pagkain, parang nanghinayang ako, wala man lang sabaw ung adobo na literal naman may sabaw kapag ako ay kumakain tapos parang pangit lasa kasi sa itsura, sayang lang ung P45 na pinambayad ko. But then, nagkamali ako. Masarap pala sia, ung sabaw na nawala, nakaimbak dun sa karne, sinipsip ng karne ang sabaw at ang karne ay malambot unlike sa iba na matigas talaga na kadalasan nagkakaroon ako ng tinga. Sabi sa akin ni arvie, "Dapat nag-sisig ka na lang, mas madami pa kesa sa adobo na yan." Wala na lang akong masabi sa kanya para sia na lang makalam kung gano kasarap ung kinakain ko. Tapos maya-maya nakitikim si Arvie, nasarapan sia. Tapos dun na lang ako nagsalita, sabi ko, "SISIG pa? Dapat nag-adobo ka na lang, mas MASARAP kesa sa sisig na yan." And then, nakitikim si Mae, nasarapan din. Aun nag-extra rice na ako kaso madami pa din ung ulam ko. Binigay ko na lang sa kanila, hindi ko natikman ung sisig ni arvie pero natikman ko ung liempo ni mae. ung kay mae hindi gaano kasarap kaya wag un ung bibilhin nio. Then, nagbayad na kami at balik sa USTe.

TRADITIONAL ADOBO P45
"DON'T JUDGE IT"
SIZZLING SISIG P50
KINAIN NINA ARVIE AT ROANNE
SIZZLING LIEMPO P50
KINAIN NI MAE (babae sa itaas), LUCKY at JANICA